Binigyang diin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kahalagahan ng pinahusay na kooperasyon sa pagbabawas ng panganib sa kalamidad at pamamahala sa 37th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit ngayong linggo.
Sa isang pahayag na inilabas nitong Biyernes ng gabi, binigyang diin din ni Duterte ang pagkaapurahan ng sama-samang pagkilos upang labanan ang mga epekto ng pagbabago ng klima.
Sinabi ng Pangulo sa kanyang mga kapwa pinuno sa online summit na ang Pilipinas ay nagdurusa sa mga epekto ng Bagyong Ulysses matapos na mapahamak ng Bagyong Rolly dalawang linggo na ang nakalilipas.
“[We must] amplify our voices to demand climate justice from those most responsible for this existential challenge we face today,” sinabi ni Duterte sa Summit.
“Developed countries must lead in deep and drastic cuts in carbon emissions,” dagdag niya. Sa linggong ito, tinanggap ng ASEAN ang pagtatalaga sa 2021 bilang ang ASEAN-China Year of Sustainable Development Cooperation, kung saan hinihikayat ng ASEAN ang kooperasyon sa China sa mga lugar tulad ng poverty eradication, food security, environment protection, at climate change. Hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na hinimok ni Pangulong Duterte ang mga bansa na gawin ang kanilang bahagi upang matugunan ang isyu sa pagbabago ng klima. Ginawa niya ito noong Setyembre nang siya ay magbigay ng talumpati sa kauna-unahang pagkakataon sa United Nations General Assembly (UNGA).
-Argyll Cyrus B. Geducos