Nakahanda si dating House Speaker Alan Peter Cayetano na harapin ang imbestigasyon hinggil sa umano’y anomalya na nagkakahalaga ng bilyun-bilyong piso sa pagho-host ng Pilipinas sa 2019 Southeast Asian Games noong 2019.
Giit ng kongresista, pawang alegasyon lamang ang bintang at walang katibayan. “That’s why until now they could not come up with any credible evidence against us,” pagdidiin ng mambabaas.
Inilabas ni Cayetano ang hakbang kasunod na rin ng kahilingan ni
Senator Risa Hontiveros sa kanyang privilege speech na gumawa ng pagsisiyasat sa umano’y may P8 bilyong ginastos sa pagdaraos ng Sea Games sa bansa.
Si Cayetano ang nagsilbing chairman ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC). Ayon sa kanya, sa pamamagitan ng SEA Games, nagkaisa ang mga Pilipino kaya nabingwit ng bansa ang overall champion sa paligsahan.
Nauna nang inihayag ni Speaker Lord Allan Velasco na pabor siya sa pagsasagawa ng pagsisiyasat upang malaman ang katotohanan.
-BERT DE GUZMAN