Naranasang muli sa Marikina City ang mala-‘Ondoy’ na pagbaha dahil sa bagyong ‘Ulysses’.
Dakong 11:00 ng umaga kahapon ay umabot na sa 22 metro ang antas ng tubig sa Marikina River, na nagdulot ng malalim na pagbaha sa malaking bahagi ng lungsod.
Ilang residente ang hindi nakapaghanda at nabigla sa lakas ng hangin at dami ng tubig na dala ng bagyo kaya hindi kaagad nakalikas.
Dahil dito, nang tumaas ang tubig-baha ay napilitan silang umakyat na sa kani-kanilang bubungan at humingi ng tulong upang ma-rescue at madala sa mga evacuation centers.
Aminado naman si Marikina City Mayor Marcy Teodoro na na-overwhelm ng sitwasyon ang mga awtoridad, dahil halos puno na rin aniya ang kanilang evacuation centers at marami pang mga residente ang naghihintay na masagip.
“Nao-overwhelm na kami sa extent, magnitude ng baha na nararanasan namin,” anang alkalde, sa panayam sa radyo.
Umapela rin ang alkalde ng tulong sa Philippine Coast Guard (PCG) upang mailikas ang kanilang mga mamamayan. Kung makakatugon sila sa lalong madaling panahon sana,” aniya.
-Mary Ann Santiago