Naglabas na kahapon ang Department of Trade and Industry (DTI) ng kanyang Suggested Retail Price (SRP) sa Noche Buena products bilang gabay ng consumers.
Partikular sa inilabas ng DTI ang SRPs ng ham, fruit cocktail, cheese,sandwich spread, mayonnaise, keso de bola, pasta/spaghetti, elbow and salad macaroni, spaghetti sauce, tomato sauce, at creamer.
Kahapon, pinangunahan ni DTI – Consumer Protection Group Undersecretary Ruth Castelo ang special price and supply monitoring ng Basic Necessities and Prime Commodities (BNPCs) sa mga supermarket at pamilihan sa Quezon City kasabay ng pagpapaskil ng SRPs.
Binigyang-diin ng DTI na ang profiteering ay may katumbas na parusa sa ilalim ng Republic Act No.7581 o The Price Act.
-Bella Gamotea