Looking forward ang Malacañang na makatrabaho ang administrasyon ni United States president-elect Joe Biden Biden.

Ginawa ni Presidential spokesman Harry Roque ang pahayag matapos ang parehong Pennsylvania at Nevada ay naging asul para sa democrat na binigyan siya ng higit sa 270 na mga boto sa eleksyon upang pamunuan ang US sa susunod na apat na taon.

Sa kanyang pahayag kahapon, ipinaabot ni Roque ang pagbati ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa 77-taong-gulang na Biden, ang pinakamatandang lalaking naging pangulo ng United States.

“On behalf of the Filipino nation, President Rodrigo Roa Duterte wishes to extend his warm congratulations to former Vice President Joseph “Joe” Biden on his election as the new President of the United States of America,” sinabi niya umaga ng Linggo.

National

China, walang natanggap na asylum application sa kampo ni FPRRD

“Congratulations and we wish him all the best,” dagdag niya.

Ayon kay Roque, nakatuon ang Pilipinas na makipagtulungan sa administrasyon ni Biden upang higit na mapagbuti ang ugnayan ng bansa sa US.

“The Philippines and the United States have long-standing bilateral relations and we are committed to further enhancing the relations with the United States under the Biden administration,” sinabi niya.

“We look forward to working closely with the new administration of President-elect Biden anchored on mutual respect, mutual benefit, and shared commitment to democracy, freedom, and the rule of law,” dagdag niya.

Matapos ang apat na araw, nakuha ni Biden ang kinakailangang 270 mga boto sa eleksyon upang makuha ang minimithing Oval Office. Habang isinusulat ang balitang ito, si Biden, na naiulat na nakakuha ng pinakamaraming boto sa kasaysayan ng US, ay mayroong 290 na mga boto sa eleksyon habang si incumbent President Donald Trump ay nasa 214 pa rin.

Kinukuwestyon ni Trump ang tagumpay ni Biden, sinasabing siya ay dinaya nang walang ipinakitang katibayan.

“Joe Biden has not been certified as the winner of any states, let alone any of the highly contested states headed for mandatory recounts,” sinabi ni Trump sa inilabas na pahayag kung saan giniit niya na ‘legal votes’ ang dapat pagbasehan at hindi ang media.

Sa isang tweet, pinasalamatan ni Biden ang mga Amerikano sa pagtitiwala sa kanya na pamunuan ang bansa, sinabing ikinararangal niya na gampanan ang responsibilidad.

“America, I’m honored that you have chosen me to lead our great country,” aniya. “The work ahead of us will be hard, but I promise you this: I will be a President for all Americans — whether you voted for me or not. I will keep the faith that you have placed in me,” dugtong niya.

Sa pagkapanalo ni Biden, gumawa din ng kasaysayan ang US sa pagkahalal kay Kamala Harris bilang pinakaunang female, black, at Indian-American Vice President of America.

Sa kabila ng malapit na personal na ugnayan kay President Trump, sinabi ng Malacañang ngayong linggo na hindi mahalaga kung sino ang mananalo sa US presidential polls dahil si Pangulong Duterte ay maaaring makipagtulungan sa sinumang pangulo.

-BETH CAMIA at ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS