Mabilis na nagpaabot ng tulong sa mga pamilya na nasalanta ng Bagyong Rolly ang SM malls at SM Foundation. Humigit-kumulang 15,000 na Operation Tulong Express (OPTE) Kalinga Packs ang ipapamahagi sa mga pamilyang tinamaan ng bagyo, tulad ng Naga City, Iriga, Baao, Buhi, Nabua, Bula, at Tinabac sa probinsya ng Camarinas Sur; Legazpi City, Daraga, Polangui, Oas, Ligao, Guinobatan, Libon, Pio Duran, at Jovellar sa probinsya ng Albay; Barangay Lag-on at Bagasbas sa Camarinas Norte; at Sorsogon City, Sorsogon.
Noong Nobyembre 4, nagsimulang magpadala ang SM ng relief goods para sa mga nasalanta ng bagyo kabilang na ang Guinobatan, Albay kung saan umabot sa 300 bahay ang lumubog sa lahar at malalaking bato bunsod ng Bagyong Rolly.
Bukod dito, iba't ibang SM malls din sa Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon ang nagbigay ng masisilungan sa mga stranded customers noong mag-landfall ang Bagyong Rolly sa Bicol at Southern Luzon nitong nakaraang Linggo. Ginawa ding libre ang overnight parking sa mga SM malls, kasama ang pagbibigay ng libreng WiFi, charging stations, at help desk para sa mga naapektuhan ng bagyo.
“Nananatiling bukas ang SM malls sa mga nangangailangan ng masisilungan sa mga lugar na malubhang naapektuhan ng bagyong Rolly. Makakaasa po ang lahat na gagawin namin ang aming makakaya upang makapagbigay ng relief assistance at matulungang makabangon and mga komunidad na nasalanta ng bagyo,” ani SM Supermalls President Steven Tan.
Sa isang pang announcement, may mga SM malls sa Metro Manila at piling lugar sa Luzon na maagang nagsara noong Nobyembre 1, pero patuloy na tumanggap ng mga taong naghahanap ng masisilungan ng noong kasagsagan ng bagyo.
Nanatili ding bukas ang SM Supermarkets, Hypermarkets, at Savemore Markets para sa mga customers na mamimili ng kanilang essential needs.
Para sa iba pang updates at announcements, bisitahin ang www.smsupermalls.com o ang mga social media accounts ng SM Supermalls sa Facebook, Twitter, at Instagram (@SMSupermalls).