Pinalagan ni Senador Richard Gordon si Pangulong Rodrigo Duterte sa pahayag nitong mukhang pera ang Philippine Red Cross (PRC) na pinamumunuan nito.

Naniningil lamang aniya ang PRC sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na siya namang itinakda ng batas.

Pinayuhan din nito ang pangulo na huwag padalus-dalos o pabigla-bilgla ng mga salita dahil nakasasakit ng damdamin. lalo na sa mga tao na ang hangad lamang ay makatulong sa kapwa.

Ang PRC ang nagsasagawa ng mass testing para sa coronavirus disease 2019 (COVID -19) at ang PhilHealth naman ang kailangang magbayado batay na rin sa kanilang kasunduan.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa

Matatandaang nabisto ng mga kongresistang nag-iimbestiga sa anomalya sa PhilHealth ang iligal na paunang bayad ng PhiHealth na P100 milyon sa PRC ilang buwan na ang nakararaan, kaugnay ng isinasagawa nitong mass testing para sa nasabing virus.

Leonel Abasola