Nanawagan si Gen. Camilo Pancratius Cascolan, pinuno ng Philippine National Police (PNP), sa New People’s Army (NPA) na iligtas ang mga puwersa ng gobyerno sa humanitarian mission sa mga lugar na puspos ng mga rebeldeng komunista na sinalanta ng super typhoon ‘Rolly’ mula sa pananambang at iba pa mga uri ng pag-atake.

Sinabi ni Cascolan na ang paggalaw ng mga sundalo at pulis na lugar na apektado ng bagyo sa mga lugar ng Bicol at Southern Tagalog ay naglalayong maghatid ng pagkain, tubig at iba pang mahahalagang gamit para sa mga nawalan ng bahay at kabuhayan.

“Our appeal is for them not to harass government forces entering areas that are affected by insurgency. They should also cooperate in this endeavor,” ani Cascolan.

Sa nakalipas, kapwa ang pulisya at ang militar ay paulit-ulit na inakusahan ang mga rebeldeng komunista sa pagsasagawa ng mga pambobomba sa tabing kalsada, pag-ambush at iba pang mga uri ng panliligalig sa mga puwersa ng gobyerno na nasa humanitarian mission.

National

PCO, kinumpirmang sina PBBM, FL Liza sumagot sa hospital bills ni Nora Aunor

“We are helping the people in this time of crisis. If they want to help, they might as well join us to extend assistance to the affected communities,” ani Cascolan.

Hindi bababa sa anim na toneladang mga relief item ang ipinadala sa rehiyon ng Bicol sa pamamagitan ng programang Food Bank ng PNP.

Disaster and relief operations

Samantala, nagsagawang ng puspusang search, rescue and retrieval and clearing operations ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga lugar na lubhang sinalanta ng bagyong Rolly.

Ayon sa ulat ng AFP kasalukuyan nagsasagawa ngayon ng relief distribution ang militar kasama ang Department of Social Worker and Development(DSWD).

Sinabi ni AFP Chief of staff Gen. Gilbert Gapay, nakatutok ang lahat mga ground commanders sa humanitarian, disaster and relief operations.

Subalit nakaalerto rin laban sa mga rebeldeng grupo na samantalahin ang isinagawang humanitarian and disaster mission.

Ayon kay Gapay may pwersa ring naka pokus para panatilihin ang peace and order lalo na doon sa mga lugar na may mga komunistang rebelde.

Nagsagawa ng aerial inspection ang militar sa Catanduanes at sa airport nito para makita ang pinsala na dulot ng bagyo.

Nagsagawa naman ng relief operations ang 51st Engineering Brigade ng Phil Army sa Baao, Camarines Sur kung saan namahagi itong ng food packs sa komunidad.

Nagsagawa rin ng road clearing operations ang mga tropa ng 31st Infantry Battalion sa Sorsogon.

Tumulong ang mga tauhan ng barangay sa repacking at pamamahagi ng relief goods.

Ang Naval Intelligence and Security Group Southern Luzon at ang Philippine Navy Islander ay nagsagawa naman ng damage assessment mission sa Catanduanes area.

Ang Navy Islander NV312 sa pangunguna ng Pilot In Command, Lt. Cdr. Mark Licos, lumipad sa coastal area sa San Andres at Virac City para i-assess ang pinsala sa lugar na dulot ng super typhoon Rolly.

-AARON B. RECUENCO at FER TABOY