Nagpahayag ng pangamba si Senador Win Gatchalian sa nakaambang pagtaas ng presyo ng langis sa bansa matapos na ihayag na pagsasara ng oil refinery sa Limay, Bataan ng Petron Corporation dahil sa malaking pagkalugi matapos tamaan ang bansa ng pandemyang COVID-19.
Aniya, bukod sa apektado ang mga manggagawa malaki ang posibilidad na tumaas ang presyo ng langis.
Sinabi pa nito na hindi ito ang panahon para magsara ng negosyo at napakahalaga nito sa mga manggagawa lalo na’t nasa gitna tayo ng pandemya at maraming apektadong pamilya.
“Nananawagan ako sa gobyerno na gamitin ang lahat ng kapangyarihan nito para maisalba ang nanganganib na negosyo ng kumpanya. Ang refinery ay isang mahalagang industriya sa mga umuunlad na bansa dahil may dala itong value-added products,” dagdag pa ng senandor.
Sa pahayag ni Petron President at Chief Executive Officer Ramon Ang, problema sa usaping buwis at ang lumalaking pagkalugi nila kasunod ng
huminang demand nuong kasagsagan ng lockdown ang nagbunsod sa nakaambang na pagsasara ng refinery.
-Leonel M. Abasola