Hiniling ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa Malacañang na magtalaga ng “vaccine czar” na siyang makakaresolba problemang kinakaharap ng bansa sa gitna na rin ng pananalanta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) .

“Naming the vaccine czar this early will also jumpstart the setting up of a “supply-to-syringe cold chain” as the vaccines have to be moved and stored in freezing temperatures in a tropical country that lacks infrastructure for it,” paliwanag nito.

Sa ngayon, aabot na sa 170 kandidato ng bakuna sa buong mundo at batay sa World Health Organization (WHO), nasa dalawang billion doses lang ang maaaring maipabalas sa 2021.

Nangangamba rin ang senador na baka walang mapuntang bakuna sa ating mga kababayan dahil mas maraming mayayamang bansa ang nakauna nang nakapila.

Anak ni Sen. Jinggoy Estrada, ginulpi sa Boracay

Aniya, ang kailangang natin ay ang tatayong “Hari ng Bakuna” na may pagmamahal sa ating bansa, may sapat na karanasan at higit sa lahat bawal ang “on the job training” (OJT).

Leonel Abasola