Pinabulaanan kahapon ng Philippine National Police (PNP) na may kinalaman sila sa pagpapakalat ng tarpaulin na ikinabit sa ilang lugar sa Maynila na nagsasabing ‘persona non grata’ ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Sinabi ni PNP chief, Gen Camilo Cascolan, hindi sila ang nagkabit ng tarpaulin kahit pa naroon ang kanilang logo.

Kung sinumang grupo aniya ang nasa likod nito ay posibleng sinusuportahan lang nito ang adhikain ng pamahalaan na wakasan na ang insurgency sa bansa.

Naniniwala rin si Cascolan na epektibo ang programa ng pamahalaan, partikular ang National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (ELCAC) dahil may positibong reaksyon mula sa tumbayan sa nasabing programa ng pamahalaan.

National

'Unahan ko na kayo!' Jam Magno, kusang sumuko sa CIDG sa Butuan City

Kaugnay nito, iniutos ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagtatanggal ng nasabing tarpaulin bilang pagrespeto sa nasabing kilusan. Sa gitna aniya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic, kailangang magtulungan na lamang upang labanan ang nasabing sakit.

-FER TABOY