Hinarang ng Bureau of Customs (BOC) ang dalawang container van na puno ng basura mula sa United States, sa Port of Subic nitong Miyerkules.

Nabisto ang nasabing kargamento habang inilalabas sa

Subic Bay International Terminal Corporation, ayon sa BOC.

Natuklasan ng BOC na ang dalawang container van ay bahagi ng 30 na nakaalertong container van na naka-consign sa Bataan 2020 Incorporated.

National

'Unahan ko na kayo!' Jam Magno, kusang sumuko sa CIDG sa Butuan City

Idineklara ang kargamento bilang “American Old Corrugated Cartons for Repulping” gayunman, nang isailalim sa inspeksyon ay nabisto ito na naglalaman ng ipinagbabawal na waste materials.

Patuloy pa ang isinasagawang imbentaryo upang madetermina ang dami ng kargamento kasabay nang pagsasabi ng BOC na posibleng kasuhan ang nasa likod ng tangkang pagpupuslit ng kargamento ng paglabag sa Section 1400 ng Republic Act 10863 (Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at paglabag sa environmental law.

Ang kargamento ay nasabat ng Customs Intelligence and Investigation Service, Enforcement and Security Service and Assessment Division ng Port of Subic.

-BETHEENA UNITE