Nasa 22.1 kilo ng pinaghihihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P150,280,000 ang nasabat ng National Capital Region Police Office-Regional Special Operations Group (NCRPO-RSOG) at Quezon City Police District (QCPD) sa isang high value target drug personality na courier ng isang drug syndicate sa Lapu-Lapu City, nitong Miyerkules ng hapon.

Kinilala ni NCRPO Regional director, Major General Debold Sinas ang suspek na si Gilbert Lumanog, nasa hustong gulang, courier/distributor ng isang drug group.

Sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang NCRPO-RSOG at QCPD operatives sa koordinasyon ng Police Regional Office (PRO) 7 laban sa suspek sa Bgy. Subabasbas sa nasabing lungsod, dakong 4:30 ng hapon nitong Miyerkules.

Nag-ugat ang operasyon buhat sa intelligence information na natanggap ng NCRPO-RSOG kaugnay ng umano’y madalas na pagbibiyahe ng 30 kilo ng shabu mula sa Quezon City hanggang Cebu City sa pamamagitan ng isang itim na Sedan sa bawat dalawang linggo.

National

'Unahan ko na kayo!' Jam Magno, kusang sumuko sa CIDG sa Butuan City

Sasampahan ang suspek ng kasong pagalabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165).

Bella Gamotea