Aabot sa 187 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1, 271,600 ang nasabat ng mga awtoridad sa tatlong drug suspects sa isang buy-bust operation sa Parañaque City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Parañaque City Police chief Col Robin King Sarmiento ang mga naarestong suspek na sina Narding Kasinm, alya Nad, 50 anyos; Haron Guiabel, alyas Ron, 48, at Alia Manampen, alyas Alia, 50, pawang residente ng Irasan Street, Barangay San Dionisio ng nasabi ng lungsod.
Ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni Maj. Anthony Alising ang buy-bust sa Bgy. San Dionisio sa Parañaque City, dakong 10:30 ng gabi.
Nasamsam ng mga pulis ang 12 pakete ng shabu.
Mahaharap ang tatlong suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
-Bella Gamotea