Hinimok ng League of Provinces of the Philippines (LPP) ang gobyerno nitong Martes na gawing mandatory para sa mga bumalik na residente ang sumailalim sa confirmatory COVID-19 testing bago bumalik sa kanilang mga bayan.

Sinabi ni LPP national president at Marinduque Governor Presbitero Velasco, sa isang pakikipanayam sa ABS-CBN Teleradyo, na sa kasalukuyan, ang mga probinsya ng locally stranded individuals (LSI) ang nagbabayad para sa RT-PCR test sa kanilang pagbabalik.

Inilarawan ng pangkat ang dumaraming bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa kani-kanilang mga lalawigan na “very alarming’’ sa pagbabalik ng LSIs.

“As of posting, Marinduque has 37 active out of 85 total COVID-19 cases,’’ sinabi ni Velasco.

Eleksyon

Camille Villar, nagpasalamat sa mga bumoto: 'Sa tiwala ninyo, nagtagumpay tayo!'

“Medyo dumadami po at nagkakaroon ng local transmission sa bahay-bahay,’’ dagdag niya.

Sinabi ni Velasco na patuloy na tatanggapin ng mga lalawigan ang mga LSI ngunit hinimok ng mga lokal na opisyal ang mga awtoridad na hilingin sa kanila na kumuha ng medical certificates at mga awtoridad sa paglalakbay mula sa lokal na pamahalaan kung saan sila magmumula.

Aniya, tatanggapin ng mga lalawigan ang mga LSI ngunit hinihimok sila na sumunod sa mga alituntunin ng National Task Force (NTF). Sinabi rin ni Velasco na inirekomenda ng ilang mga lalawigan ang paghihigpit ng “non-APOR (authorized persons outside of residence) sa kanilang nasasakupan.

Chito A. Chavez