Diretso sa kulungan si Oliver Brane, kasunod ng pagkakaaresto niya sa pinagtataguang bahay sa Sitio Bag-as, Bgy. Talisay, Quezon, kasunod ng kanyang pagkakaaresto nitong Sabado ng hapon.
Ang pagdakip ay ipinatupad ng mga tauhan ng Region 4A- Intelligence Unit, Highway Patrol Group at 2nd Quezon Provincial Mobile Force Company sa bisa ng arrest warrant na ipinalabas ni Catanauan, Quezon Regional Trial Court Branch 96 Judge Edilwasif Baddiri noong Nobyembre 28, 2018, sa kasong murder.
Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ni Brane.
Sa rekord ng kaso, si Brane ay inakusahang pumaslang kay Alijo Bolante sa Sitio Bungag, Bgy. Mangero, San Andres, noong Agosto 5, 2018.
Bukod sa pamumugot kay Bolante, pinaghati-hati pa umano ni Brane ang biktima.
Matapos ang karumal-dumal na krimen, agad na nagtago si Brane.
-Danny Estacio