Dead on arrival sa ospital ang isang magsasaka nang barilin ito ng 18-anyos na kapatid sa gitna ng kanilang pag-aaway sa Sitio Sagal, Barangay Macol, Malita, Davao Occidental, kahapon.

PINATAY download

Sa natanggap na ulat ng Davao Occidental Provincial Police Office (DOPPO), nakilala ang biktima na si Joven Mariano, 29, na nasawi dahil sa isang tama ng bala sa ulo.

Kusang sumurender naman sa mga awtoridad ang suspek na si Jovic Mariano, matapos ang krimen.

National

Surigao del Sur, niyanig ng 4.2-magnitude na lindol

Bago ang pamamaril, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang magkapatid sa hindi pa matukoy na dahilan.

Dahil sa sobrang galit, kumuha ng baril ang suspek at ipinutok sa nakatatandang kapatid nito.

Nahaharap ang suspek sa kasong parricide at illegal possession of firearms.

-Fer Taboy