Pito pang pulis ang inaresto ngayong Huwebes dahil sa umano’y pagkakasangkot sa pangongotong sa pamilya ng inarestong drug suspect noong nakaraang taon.

(Czar Dancel)

(Czar Dancel)

Ayon kay Police Maj. Gen. Guillermo Elezar, director ng National Capital Region Police Office (NCRPO), matagumpay ang pag-aresto sa bisa ng arrest warrant na inisyu ng Tagaytay City court para sa modus operandi na karaniwang ginagawa ng mga pulis ng anti-narcotics upang kumita sa drug war.

Kinilala niya ang mga inaresto na sina Police Staff Sergeant Joel Lupig; Police Corporals Vener Gunalao at Jayson Arellano; Patrolman Jeffrey De Leon, Mark Jefferson Fulgencio, Raymart Gomez at Erickson Rivera, pawang nakatalaga sa Las Piñas City Police drug enforcement unit bago sila inilagay sa restrictive custody.

Eleksyon

'Walang Imee, Camille?' DuterTEN, Honasan, Querubin ineendorso ni FPRRD

Ayon kay Eleazar, personal niyang inihain ang arrest warrant para sa kidnapping for ransom sa loob ng Custodial Detention Facility of Regional Headquarters Support Unit (RHSU) NCRPO, Camp Bagong Diwa, Bicutan sa Taguig City, nitong Miyerkules ng hapon.

Base sa court records, pito pang pulis ang nagtangka umanong kotongan ang kapatid ng drug suspect, na kanilang inaresto sa anti-drug operation noong Nobyembre ng nakaraang taon.

"The extortion money was in exchange for the release of her brother. But instead of giving in, she reported the incident to NCRPO which immediately planned an entrapment operation," pahayag ni Eleazar.

Tinakasan ng pitong pulis ang arresting team, ngunit kalaunan ay isinuko ang kanilang sarili kay Eleazar noong Nobyembre 29, 2018. Kalaunan sila ay inilagay sa kustodiya ng NCRPO Headquarters habang hinihintay ang pag-usad ng kaso laban sa kanila.

Kinasuhan ang mga suspek ng kidnapping with serious illegal detention at grave misconduct.

Nasa kustodiya ang mga suspek ng RSOU para sa dokumentasyon at ang warrant of arrest ay ibabalik sa court of origin.

-Aaron Recuenco