Patay ang isang arkitekto makaraang mahulog sa elevator shaft ng gusali sa Araneta Center, Cubao, Quezon City, nitong Sabado.

ARCH

Kinilala ang biktima na si Michael Alfonso, 37, taga-15th Avenue, Barangay San Roque, Cubao, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni PO1 Morahid Tanug, ng QCPD, naganap ang aksidente sa Cyberpark Building sa Gen. Aguinaldo Avenue corner Gen. McArthur, Araneta Center, Cubao, dakong 9:00 ng gabi.

National

Kitty Duterte, ibinahagi latest na mensahe ni FPRRD sa kanilang pamilya

Sa inisyal na ulat, galing sa gym ang biktima, kasama ang kanyang kaibigan na si Gerald Mondla, na nasa loob din ng gusali.

Inakala umano ng biktima na pinto ng banyo ang kanyang binuksan, ngunit elevator shaft kaya nahulog mula sa ikalawang palapag at hanggang sa lower ground.

Iniimbestigahan ng QCPD - Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ang insidente.

Jun Fabon