Bago maghatinggabi sa Huwebes ay bubuksan na ang elevated expressway na NLEX-Harbor Link Segment 10 na nag-uugnay sa Maynila ay Quezon City.

LINK

Nauna nang itinakda ngayong Martes ang pagbubukas ng 5.65-kilometrong elevated expressway, pero iniurong ito sa Huwebes ng gabi, ayon kay Build, Build, Build Committee Chairperson Anna Mae Lamentillo.

“(It will open) evening of February 28, before midnight,” sabi ni Lamentillo, idinagdag na ang paglilipat ng petsa ng opening ng bagong highway ay dahil nagsagawa pa ng safety checks at pre-opening construction.

National

'Marcos pa rin!' Sen. Imee nag-react sa joke ni VP Sara, 'di papalitan apelyido

Tiniyak din ni Lamentillo na dadalo si Pangulong Duterte sa opening ceremony para sa NLEX-Harbor Link.

Ang NLEX-Harbor Link Segment 10 ay magsisimula sa NLEX, sa bahagi ng MacArthur Highway sa Karuhatan, Valenzuela City, tatagos sa Malabon City, C3 Road sa Caloocan City, at sa 2.6-km section sa pagitan ng C3 Road sa Caloocan at R10 sa Navotas City.

Inaasahang magagamit ng hanggang 30,000 sasakyan ang elevated expressway.

Betheena Kae Unite