Patay ang isang konsehal ng bayan ng San Fernando sa Cebu makaraang barilin ng riding-in-tandem sa Ramon Magsaysay, Zamboanga Del Sur nitong Sabado.

MB, file

MB, file

Sinabi ngayong Linggo ni Police Regional Office (PRO)-9 Director Chief Supt. Emmanuel Luis Licup na bandang 6:30 ng umaga nang nangyari ang insidente sa Purok 2, Barangay Poblacion sa Ramon Magsaysay.

Kinilala ni Chief Supt. Licup ang napatay na si Alfonso Salmero Donaire IV, 37, may asawa, at miyembro ng Sangguniang Bayan ng San Fernando, Cebu.

National

Grupo ng simbahan, suportado panawagang imbestigahan ng ICC ang War on Drugs: 'Let justice be served'

Ayon kay Chief Supt. Licup, magkaangkas sa motorisklo ang mga suspek. Ang rider ay nakasuot ng face mask, habang ang angkas niya ay nakasuot ng jacket at pantalon.

Nagtamo ang biktima ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan at kaagad na binawian ng buhay.

Inaalam pa sa imbestigasyon ang posibleng motibo sa krimen.

Nonoy E. Lacson