Sugatan ang isang piloto nang bumulusok ang sinasakyan niyang eroplano habang nag-i-spray ng kemikal sa isang plantasyon ng saging sa Ampatuan, Maguindanao, ngayong Sabado.'

Plantasyon ng saging sa Mindanao (MB, file)

Plantasyon ng saging sa Mindanao (MB, file)

Kinilala ng Maguindanao Police Provincial Office ang nasugatan na si Dennis Pandi na nagtatrabaho bilang piloto sa Davao Airworks.

Kaagad na isinugod sa ospital si Pandi nang maialis ito ng mga rescuer mula sa nawasak na eroplano.

National

First Family nagbakasyon sa Suba Beach, Ilocos Norte sa Huwebes Santo

Paliwanag ni Robert Mauricio, empleyado ng Amardi Banana Plantation, nag-crash ang eroplano nang pumalya umano ang makina nito habang ito nag-i-spray ng kemikal sa 2,000 ektaryang taniman ng saging sa nabanggit na bayan.

“He avoided hitting our banana packing plant so his plane fell on one spot of the plantation. His plane was a total wreck. Thank God, he survived,” pahayag pa ni Mauricio.

Ipinaliwanag pa ng mga awtoridad, kinokontrata ng nasabing plantasyon ang kumpanyang pinapasukan ni Pandi upang magsagawa ng chemical spraying operations.

Ali G. Macabalang