Heads up sa mga nanay at mga may-ari ng karinderya.

LPG

Nagbabadya ang malaking dagdag-presyo sa liquefied petroleum gas (LPG) na ipatutupad ng ilang kumpanya ng langis sa bansa sa unang araw ng Marso.

Sa taya ng industriya ng langis, posibleng madagdagan ng P1.00 hanggang P2.00 ang kada kilo ng LPG sa susunod na linggo.

National

Kitty Duterte, ibinahagi latest na mensahe ni FPRRD sa kanilang pamilya

Hindi naman naglabas ng taya sa posibilidad na magtaas din ng presyo ang Auto-LPG, na karaniwang ginagamit sa taxi.

Ang napipintong dagdag-presyo ay bunsod ng paggalaw ng contract price ng LPG sa pandaigdigang pamilihan.

Pebrero 1 nang pinangunahan ng Petron ang pagtataas ng P3.88 kada kilo o P42.68 sa bawat regular na tangke ng Gasul at Fiesta Gas nito, habang P2.17 naman sa Auto-LPG.

-Bella Gamotea