Dinampot ng mga miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang umano’y bigtime drug dealer nang masabat sa kanila ang tinatayang aabot sa P245 milyong iligal na droga sa isang pagsalakay sa Dasmariñas City, Cavite, nitong Miyerkules.

CHINESE

Ipinaliwanag ni PDEA Director General Aaron Aquino, ang naturang illegal drugs ay posibleng bahagi ng P2 milyong halaga ng shabu na nadiskubre nila sa Tanza, kamakailan.

Ang dalawang nadakip ay nakilalang sina Jim Wahting at Filipino-Chinese Patrick Ban Kee.

Internasyonal

Pope Francis, pumanaw na sa edad na 88

Aabot sa 36 kilo ng iligal na droga at iba’t ibang uri ng bag ang natunton sa sinalakay na bahay sa naturang lugar.

“Ang drug money is being circulated every time there would be some campaign and politicians will start drug money to buy votes,” sabi ni Aquino.

Inamin naman ng PDEA-Calabarzon, higit tatlong taon nang sumailalim sa surveillance si Wahting at Ban Kee bago sila naaresto.

Posible rin aniyang may kaugnayan ang dalawang naaresto sa  Golden Triangle syndicate na nago-operate sa Lao, Myanmar at Thailand.

-Fer Taboy