2020 BIMPNT-EAGA hosting sa Davao City

BRUNEI— Mula simula hanggang sa huli, hindi nagpadaig ang mga atleta ng Mindanao at Palawan.

ITINAAS ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner at Chef de Mission Charles Raymond Maxey ang tuping bandila ng BIMPNT-EAGA bilang simbolo ng pagtanggap bilang host sa ika-11 edisyon ng Friendship Games sa 2020 sa Davao City sa ginanap na closing ceremony ng 10th Brunei, Indonesia, Malaysia, Philippines and Northern Territory-East Asia Growth Area Friendship Games nitong Linggo sa Indoor Stadium ng Hassanal Bolkia National Sports Complex sa Brunei

ITINAAS ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner at Chef de Mission Charles Raymond Maxey ang tuping bandila ng BIMPNT-EAGA bilang simbolo ng pagtanggap bilang host sa ika-11 edisyon ng Friendship Games sa 2020 sa Davao City sa ginanap na closing ceremony ng 10th Brunei, Indonesia, Malaysia, Philippines and Northern Territory-East Asia Growth Area Friendship Games nitong Linggo sa Indoor Stadium ng Hassanal Bolkia National Sports Complex sa Brunei

Matikas na tinapos nina Elah Janica Liwag at Juan Miguel Dalangin ang kampanya ng Davao City-Mindanao sa gintong medalya sa mixed doubles ng poomsae event sa pagtatapos ng 10th Brunei-Indonesia-Malaysia-Philippines-Northern Territory-East Asian Growth Area (BIMPNT-EAGA) Friendship Games nitong Linggo sa Hassanal Bolkiah National Stadium.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Ilang oras bago ang makulay na closing ceremony sa Indoor Stadium, ratsada ang pambato ng University of Immaculate Conception para maibigay ang unang gintong medalya ng Mindanao sa taekwondo event.

Nasungkit din ni Liwag ang silver sa girls individual poomsae, habang ang 16-anyos na si Dalangin ay kumuha rin ng bronze sa boys individual poomsae.

Bunsod ng panalo nakapag-uwi ng kabuuang 13-14-17 gold-silver-bronze medal ang Team Philippines. Batay sa format na focus area, ang Mindanao (Davao) ay pang-apat sa overall medal standings tangan ang 10 ginto, 12 silver at 13 bornze, habang pang-walo ang Palawan sa 10-areas competition na may tatlong ginto, dalawang silver at apat na bronze.

Naibigay din ni Mark Anthony Casenas ang tanging gold medal sa athletics para sa Davao City nang pagbidahan ang men’s long jump (6.77 meters).

Nakopo ng Palawan ang tatlong ginto sa golds, tampok ang dalawa mula kay John Lloyd Cabalo at isa kay Jessell Lumapas.

Nangunang Pinoy si Davao City tanker Fritz Jun Rodriguez sa Team Philippines sa nahakot na apat na gintong medalya at isang silver medal sa biennial event na gaganapin sa Davao City sa 2020.

Pinasalamatan ni Philippine Sports Commissioner at Chef de Mission Charles Raymond Maxey ang matagumpay na hosting ng Brunei.

“Truly, you have set the bar higher for the future host of this event. I also admire and appreciate all the efforts from the top officials down to the volunteers for making sure our stay here in Brunei Darussalam will be comfortable and pleasant one,” pahayag ni Maxey.

“See you in the Philippines,” aniya, patungkol sa hosting ng Davao dalawang taon mula ngayon.