Isinapubliko ng Malacañang kahapon ang pangalan ng siyam na appointee ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong buwan.

Kabilang sa mga ito si Manuel Gonzales, Jose Briones, Jr. na itinalaga sa Department of Transportation (DOTr).

Magiging bagong DOTr Assistant Secretary si Gonzales kapalit ni Arnulfo Fabillar; habang si Briones ang bagong Director IV sa Office for Transportation Security, kapalit ni Maria Delia Presquito.

Nitong Hunyo 22, pinangalanan din ng Pangulo ang magiging Assistant Schools Division Superintendent sa Department of Education (DepEd) at ito ay si Benito Alipio, Jr.

National

ITCZ, magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa

Itinalaga ni Duterte si Assistant director Ruby Muro ng Department of Budget and Management-National Capital Region (DBM-NCR) bilang bagong director ng ahensiya, kapalit ni Julian Pacificador, Jr.

Itinalaga rin si Joanne Babon bilang director ng Public-Private Partnership Center of the Philippines ng National Economic and Development Authority (NEDA).

Ipinalit naman ni Duterte sa puwesto ni Flor Mercado si Roberto Baquiran bilang director ng Bureau of Internal Revenue (BIR), kapalit ni Flor Mercado.

Ipinuwesto rin nito si Robert Umandap upang katawanin ang Environmental Sector Organization sa board of trustees ng Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care, kapalit ni Angel Alcala.

Pinili rin ng Pangulo si Rehan Lao bilang miyembro ng board of directors ng Coconut Industry Investment Fund (CIIF) Oil Mills Group (San Pablo Manufacturing Corp., Sithern Luzon Coconut Oil Mill, Inc., at Legaspi Oil Company, Inc.). Pinalitan nito si Wigberto Tañada.

Magiging miyembro naman si Oscar Pialago, Sr. ng board of directors ng CIIF-Oil Mills Group (Granexport Manufacturing Corporation, Cagayan de Oro Oil Company, Inc., at Iligan Coconut Industries, Inc.

-Argyll Cyrus B. Geducos