Aabot sa 1.5 milyong Pinoy ang nabiktima ng “common crimes” sa unang tatlong buwan ng 2018, ayon sa survey ng Social Weather Station (SWS).
Binanggit sa survey na 6.6 na porsiyento ng pamilyang Pinoy ang nabiktima ng krimen, gaya ng pagnanakaw, panloloob, physical violence, at carnapping sa unang bahagi ng taon.
Mas mababa ito ng isang puntos kumpara sa 1.7 milyong pamilya, o 7.6% noong Disyembre 2017.
Sinabi rin sa survey na karamihan sa mga krimen ay nagreresulta sa pagkawala ng mga ari-arian.
Ikinatuwa naman ng Malacanang ang pagkaunti ng mga Pilipinong nabibiktima ng krimen.
“We welcome the latest SWS survey showing 6.6% of families reporting victimization by any of the crimes within the past six months – down from December 2017’s 7.6%,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
-Fer Taboy at Beth Camia