Muling nagpaalala ang Phi l ippine Atmospher ic, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa publiko na maging alerto sa posibleng pagbaha at landslide sa kanlurang bahagi ng Luzon, dulot pa rin ng umiiral na hanging habagat.
Kabilang sa mga lugar na makararanas ng bahagya hanggang sa malakas na pag-uulan na dulot ng habagat ang Pangasinan, Bataan, at Zambales.
Makakaranas naman ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan ang Metro Manila, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Abra, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mountain Province, Apayao, Batanes, Babuyan group of islands, Cavite, Batangas, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga at Tarlac.
Inaasahan namang hihina ang habagat bukas, Martes, hanggang Miyerkules na magdudulot ng mas maginhawang panahon sa kanlurang bahagi ng hilaga at gitnang Luzon.
Malaki naman ang posibilidad na ulanin ang hilagang Luzon sa Huwebes hanggang Biyernes.
-Ellalyn De Vera-Ruiz