Dinepensahan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mungkahi ni Pangulong Duterte na armasan ang mga barangay captain bilang proteksiyon sa sarili, lalo na ang mga may banta sa kanilang buhay.

“Bilang ating unang hanay ng depensa sa grassroots level, napakataas ng kanilang exposure sa iba’t ibang uri ng masasamang-loob at mga kriminal. Dahil dito, sila ay nangangailangan ng agarang proteksiyon,” sabi ni ni DILG Officer-in-Charge Eduardo Año.

Maaari aniyang bumili ng mga personal na baril ang mga barangay chairman, at maaari rin silang bigyan ng “permit to carry” upang maipagtanggol man lamang ng mga ito ang kanilang sarili sa oras ng kagipitan.

Ang mga ito ay maaari rin aniyang matanggap at maitalaga bilang miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) o Special Civilian Armed Forces para mabigyan sila ng baril ng pamahalaan at ng mission order. (Jun Fabon)

National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro