May special treat ang pamunuan ng Light Rail Transit (LRT)-Line 2 sa mga ama para sa pagdiriwang ng Fathers’ Day bukas, Hunyo 17.

Batay sa abiso ng LRT-2, pagkakalooban nila bukas ng libreng gupit at massage service ang lahat ng pasaherong ama.

Nabatid na ang mga nasabing libreng serbisyo ay maaaring i-avail sa Santolan at Cubao Stations ng LRT-2, simula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa Linggo, ngunit first come, first served basis lamang ito.

“With your sacrifices, valuable advices, protective guidance and your tireless struggle to make ends meet, you deserve some treat,” anang LRT-2. “As such, on June 17, 2018, from 8 AM to 12 NN, LRT-2 father patrons will be treated to a free massage and a free haircut. Advance Happy Father’s Day!”

Eleksyon

Camille Villar, nagpasalamat sa mga bumoto: 'Sa tiwala ninyo, nagtagumpay tayo!'

Katuwang ng LRT-2 sa naturang proyekto ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at SMART Association of Blind Reflexologists.

-Mary Ann Santiago