Ni: Mary Ann Santiago
Limang tahanan ang nasunog nang mag-overheat ang isang electric fan sa Tondo, Maynila, nitong Linggo ng gabi.
Batay sa ulat ni Fire Insp. Efren Jay Ba-awa, ng Manila Fire Department, dakong 7:21 ng gabi nang magsimulang sumiklab ang sunog sa bahay ni Jennifer Sombilon sa 2071 Raxabago Street sa Tondo.
Mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bahay na pawang gawa sa light materials bago tuluyang naapula matapos ang kalahating oras, o bandang 7:51 ng gabi.
Wala namang iniulat na nasawi o nasaktan sa sunog, at inaalam pa ang halaga ng mga ari-ariang natupok.