Ni: Mary Ann Santiago

Patay ang isang receptionist matapos umanong manlaban sa holdaper habang papauwi sa Antipolo City, kamakalawa ng gabi.

Tadtad ng bala sa katawan, dead on the spot si Bernadeth Macam, 26, ng Spring Valley, Barangay Cupang, Antipolo City.

Patuloy namang tinutugis ang hindi pa nakikilalang suspek na mabilis na tumakas nang makuha ang mahahalagang gamit ng biktima.

Eleksyon

Wendell Ramos, pinuri matapos iurong ang kandidatura bilang konsehal

Ayon kay Non Uniformed Personnel (NUP) Raymund Nallan, naganap ang insidente sa Don Vicente Avenue, Bgy. Cupang, dakong 7:45 ng gabi.

Pauwi na ang biktima mula sa kanyang trabaho nang harangin ng isang armado at nagdeklara ng holdap.

Ayon sa pulisya, posibleng nanlaban ang biktima kaya pinagbabaril ito ng suspek.