NI: Jun Fabon

Bumulagta ang apat na durugista, na pawang nasa watch list, matapos pagbabarilin ng mga hinihinalang hitman ng sindikato sa Barangay Old Balara, Quezon City, iniulat kahapon.

Sa report ng Batasan Police-Station 6, kinilala ang mga nasawing suspek na sina Jennifer Taba, 43; at Ignacio Yutero, 40, kapwa ng Laura Street, Bgy. Old Balara; mga dayo na sina alyas Loloy Bad Boy, 32; at Joel, 35.

Sa inisyal na ulat ni Samuel Mendoza, barangay executive officer ng Bgy. Old Balara, sunud-sunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa Purok 2, Area 5, Laura St., Bgy. Old Balara, dakong 11:00 ng gabi kamakalawa.

Nasawi sa Air India nasa 270 na; pagkilala sa bangkay ng mga biktima, nagpapatuloy!

Sa imbestigasyon ng Quezon City Police District (QCPD)-PS6, nadiskubre ni Jack, residente, ang mga duguang bangkay.

Mismong si Mendoza ang nagkumpirma na nasa drug watch list ng kanilang barangay ang itinumbang mga suspek.