Ni: Mary Ann Santiago

Sinibak sa puwesto ang hepe ng Women and Children’s Protection Desk ng Marikina City Police dahil sa umano’y ‘mishandling’ sa kaso ni Monsignor Arnel Lagarejos.

Ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro, siya mismo ang nag-utos na sibakin sa puwesto si Police Chief Insp. Melanie Redon dahil sa umano’y hindi magandang paghawak nito sa kaso.

Ito ay matapos makarating sa kanya na ang mga ebidensiya, katulad ng cell phone at baril, ay hindi isinama sa report na isinampa sa piskalya.

National

Eastern Police District, nakaantabay na sa pagbubukas ng klase sa June 16

“Ni-relieve namin ‘yung chief ng women’s desk kasi at the outset palang may influence na, may tumawag sa amin na nawawala daw ibang evidences,” ayon sa alkalde.

Pinag-aaralan na rin, aniya, ang paghahain ng apela upang muling magsagawa ng imbestigasyon.

Matatandaang pansamantalang pinalaya si Lagarejos nang payagang makapagpiyansa ng Marikina City Prosecutor’s Office.