NI: Orly L. Barcala
Napasama ang pag-inom ng alak ng isang lalaki nang atakehin sa puso makaraang malasing sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Nangingitim at wala nang buhay nang matagpuan si Jose Luis Dradon, 44, stay-in welder sa White Lily Street, Victoneta River Side, Barangay Potrero ng nasabing lungsod, bandang 7:00 ng umaga.
Una rito, dakong 10:00 ng gabi, bumili ng alak at uminom mag-isa ang biktima sa loob ng kanyang barracks at bangkay na nang datnan ng kanyang mga katrabaho kinabukasan.
Atake sa puso ang tinitingnang anggulo sa pagkamatay ni Dradon. Gayunman, hinihintay pa rin ang report mula sa Scene of the Crime Operatives (SOCO) upang masiguro na walang foul play na nangyari.