Ni: Aaron Recuenco

Inaresto ng awtoridad ang isang miyembro ng Maute Group sa isang evacuation center sa Saguiaran, Lanao del Sur sa gitna ng bakbakan sa Marawi City.

Ayon kay Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, director ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), inaresto ang Maute member nang makilala ng kanyang kapwa terorista na dinakip ilang linggo na ang nakalilipas.

Kinilala ang inarestong Maute member na si Lala Arafat, 38, na dinampot sa isang evacuation center nitong Linggo ng gabi.

Eleksyon

Ogie Diaz, may blind item sa kandidatong mamimigay ng 'pork barrel' pag nanalo

Nakuha kay Arafat ang 12 identification (ID) card na may iba’t ibang pagkakakilanlan.

Agad dinala si Arafat, ayon kay Sindac, sa pinakamalapit na police station para sa debriefing, at kakasuhan ng rebelyon.