Ni: Vanne Elaine P. Terrazola

Isang lalaki ang naiulat na nagbaril sa sarili upang magpakamatay sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Ayon sa awtoridad, duguan si Deogracias Raqueño, 50, at may tama ng bala ng baril sa ulo nang matagpuan ng kanyang kaanak sa loob ng kanyang kuwarto sa Barangay Soccorro, Cubao, bandang 6:50 ng gabi.

Sa pahayag ni Pedro, kapatid ni Deogracias, sa mga imbestigador ay naalarma siya nang makarinig ng putok ng baril mula sa kuwarto ng biktima.

National

Buwelta ni Rep. Adiong kay VP Sara: Bigas sa panahon ni FPRRD, ₱70/kilo at may bukbok

Tumakbo siya sa kuwarto ng kapatid, ngunit ito ay naka-lock. Sinabi ng awtoridad na kinailangan pang sirain ni Pedro ang pintuan, at nadiskubre ang nakabulagtang bangkay ni Deogracias.

Nakuha sa pinangyarihan ang ilang bala ng caliber .45 pistol na ginamit ni Deogracias. Ito ay kargado pa ng apat na bala, ayon sa pulis.

Tumanggi ang awtoridad na ipahayag ang dahilan ng biktima sa pagpapakamatay, at sinabing ito ay kahilingan ng pamilya ni Deogracias.