Ni: PNA

Inihayag ng mga mananaliksik ng Medical Research Council’s Laboratory of Molecular Biology (LMB) nitong Miyerkules na nagtagumpay sila sa unang pagkakataon na madiskubre ang atomic structure ng isang abnormal filament na nagiging sanhi ng pagkakaroon ng Alzheimer’s disease.

Ayon sa kanila, kung malalaman at maiintindihan ng husto ang istruktura ng filament, ito ang magiging susi sa gagawing gamot upang mapigilan ang pagkabuo nito at makahanap ng mga compound para gamutin ang Alzheimer’s.

Sa pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik na inilathala sa Nature, naniniwala sila na ang tau protein na kanilang nadiskubre, ay maaari ring maging susi kung paano makabubuo ng iba’t ibang filament sa iba pang neurodegenerative diseases.

PRO3, nilinaw pagkaaresto sa mga Aeta sa Mt. Pinatubo

Anila, ang kanilang nadiskubre ay magbubukas sa bagong panahon sa pagbuo ng makabagong gamot, na pipigil sa pagkamatay ng brain cells, sa mas madaling paraan at tuluyang masugpo ang neurodegenerative diseases.

Ang Alzheimer na isa sa pangkaraniwang neurodegenerative diseases ay mula sa pagkakaroon ng dalawang uri ng abnormal “amyloid” na mga anyo ng protina na bumubuo ng mga sugat sa utak.

“This ground-breaking work is a major contribution to our understanding of Alzheimer’s disease. Nearly thirty years ago scientists at the LMB were the first to discover that tau protein plays a key role in the disease. Knowing the basic structure of these filaments in diseased tissue is vital for the development of drugs to combat their formation. This research opens up new possibilities to study a range of other diseases where the accumulation of abnormal protein filaments plays a role, including Parkinson’s disease, motor neuron disease and prion diseases,” pagsasalaysay ni Dr Rob Buckle, chief science officer sa MRC at nagpondo sa research.

“We have known for almost three decades that the abnormal assembly of tau protein into filaments is a defining characteristic of Alzheimer’s disease. Until now the high-resolution structures of tau or any other disease-causing filaments from human brain tissue have remained unknown. This new work will help to develop better compounds for diagnosing and treating Alzheimer’s and other diseases which involve defective tau,” dagdag pa ni Dr. Michel Goedert, co-senior author na nagtrabaho rin sa original research nito 30 taon na ang nakalilipas.