Hinarang at inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang puganteng Chinese sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kamakalawa.

Sa ulat na ipinarating kay BI Commissioner Jaime Morente, kinilala ang inaresto na si Weng Wenmin, 51, na hinarang sa departure area ng NAIA Terminal 3.

Lilipad na sana si Wenmin, via Cebu Pacific flight, patungong Hong Kong ngunit nang sumailalim sa inspeksiyon ng BI departure counter ay nadiskubre ng immigration officer na siya’y nasa watch list order ng Immigration.

Nakita sa database na noong Abril 20 ay naglabas ng watchlist order si Morente laban kay Wenmin dahil siya ay isang pugante at undesirable alien.

Bilang ng operasyon ng POGO sa bansa, bumaba sa 17 bago matapos ang 2024

Agad dinala si Wenmin sa border monitoring at security unit ng NAIA bago ikinulong sa Camp Bagong Diwa, Taguig habang nakabimbin ang paglilitis sa kanyang deportasyon. (Mina Navarro)