ISA sa sinasabing pinakamahusay na aktres sa kanyang henerasyon si Assunta de Rossi. Nakopo niya ang mailap na Gawad Urian Best Actress para sa landmark film niyang Hubog noong 2001, mula sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Nagkamit din siya ng acting nominations for Best Actress sa Famas para sa naturang pelikula, at sa Gawad Urian para naman sa Baybayin (2012) ni Direk Auraeus Solito.

Ngayong March 22, nagbabalik-leading lady sa big screen si Assunta sa Higanti, isang pasabog na action-dramang pelikula na tumatalakay sa pakikipaglaban ng matapang at mapagmahal na babae upang mabawi ang ang lahat ng bagay na ninakaw sa kanya.

Pagkaraan ng labing-anim na taon simula nang ilunsad si Assunta sa Hubog, reunited sila ng leading man niyang si Jay Manalo sa Higanti, mula sa direksiyon ni Rommel Ricafort.

Tsika at Intriga

Payo ni Kabayang Noli sa aspiring journalists: ''Hindi dapat huli sa mga balita!'

Award-winning actor din si Jay. Mayroon na siyang isang Urian Best Actor trophy para sa Prosti (2002) ni Erik Matti at isang Famas Best Actor para naman sa Bayaran (2003) ni Francis Posadas.

Nagkamit na rin siya ng Best Supporting Actor award mula sa Film Academy of the Philippines (FAP) para naman sa Aishite Imasu (Mahal Kita) (2004) ni Direk Joel Lamangan, at na-nominate sa iba’t ibang award-giving bodies sa bansa.

Mula sa Gitana Film Productions, ang Higanti ay tungkol din sa mayamang pamilya na maghihirap dahil sa pagiging ganid sa salapi at pagiging makasarili.

May logline na “L_ntik lang ang walang higanti!”, kasama rin sa pelikula sina Meg Imperial, Katrina Halili, Jon Lucas (miyembro ng Hashtags ng It’s Showtime), Kiko Matos, DJ Durano, Alwyn Uytingco, at iba pa.

Ang script ay collaboration nina Rommel Ricafort, Susan Lara, Mario Mendez, Jr., Bimbo Papasin, at Esmeralda Cortez, with Shine Deauna-Ricafort bilang production manager, at Maria Teresa Cancio bilang executive producer.

Ipapalabas ang Higanti sa March 22 sa mga sinehan.