Isa-isang ipinasok sa selda ang apat na katao, kabilang ang isang babae, matapos maaresto dahil sa umano’y pambubugaw sa tatlong dalagita sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Police Supt. Arriel Fulo ang mga suspek na sina Jeffrey Dela Cruz, 33, ng No. 31-27 Caingin Street, Barangay Tenejeros; Erickson Mariano, 33, ng No. 80 B University Avenue, Bgy. Tinejeros; Rey Rosal, 23 at Karen Aquino, 21, kapwa residente ng No. 60 Tumariz St., Bgy. Tugatog ng nasabing lungsod.

Silang lahat ay nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 10364 o Expanded Human Trafficking Act.

Sa salaysay ng mga biktima, nasa edad 13, 14, 15, ayon sa pagkakasunod, pawang residente sa Caloocan City, kay PO3 Lea Baldomero ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Malabon Police, nitong Enero 5, bandang 5:00 ng hapon ay nagpunta sila sa bahay ni Karen.

National

Ex-Pres. Duterte, wala raw tsinelas no'ng dalhin sa Netherlands—Sen. Bong Go

Naglayas umano sila at nakiusap na pansamantalang tumuloy kay Karen.

“Kaibigan daw nung mga victim ‘yung Karen, kaya madalas silang magpunta sa bahay nito,” ani PO3 Baldomero.

Walang kamalay-malay ang mga biktima, niyaya sila ni Karen na umalis at pumunta kina Dela Cruz at Mariano at dito na umano sila ginawang mga prostitute. Pinipilit umano silang makipagtalik kapalit ng pera.

Nagawang makatakas ng mga biktima at humingi ng tulong sa mga barangay official at inilahad ang mga pangyayari na nagresulta sa pagkakadakip ng mga suspek. (Orly L. Barcala)