Handa ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa malawakang “tigil-pasada” ng mga driver at operator ng ilang transport group sa iba’t ibang lugar sa bansa sa Lunes, Pebrero 6.

Kaugnay nito, inatasan ni NCRPO Director chief Supt. Oscar Albayalde ang limang district director sa Metro Manila na maging alerto at handa sa napipintong tigil-pasada, lalo na at inaasahang maaapektuhan ang mga pasahero.

Sa natanggap na ulat ng Action Center ng NCRPO, ikakasa ng mga driver at operator ang nasabing strike bilang pagtutol sa pagdispatsa sa mga lumang jeep sa mga lansangan sa bansa, partikular sa Maynila.

Samantala, umapela si Albayalde sa mga driver at operator na huwag lumabag sa batas at iwasang gumawa ng gulo gaya ng sapilitang panghaharang sa mga pumapasada, sa nabanggit na petsa. (Bella Gamotea)

Pagkukumpuni sa San Juanico Bridge, posibleng pumalo ng ₱500M—OCD