Nakapiit ngayon sa detention cell ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang adik ng ilegal na droga makaraang arestuhin ng mga barangay tanod sa Quezon City, iniulat kahapon.

Sa inisyal na ulat ni Delia Soliven ng Barangay Public Safety Officer (BPSO), kinilala ang mga suspek na sina Jupiter Pagulayan, 39, ng No. 201 Road Avenue, Pasig City; at Samad Salim y Lanton, 37, ng Buenavidez, Romblon.

Naaktuhan ng mga tanod sina Pagulayan at Salim na bumabatak ng shabu sa hinihinalang drug den sa No. 67, 8th Avenue, Bgy. Socorro, Cubao, Quezon City.

Ayon kay Soliven, ganap na 4:30 ng hapon kamakalawa, isang impormante ang tumawag sa tanggapan ng Barangay Socorro na agad namang nirespondehan ng mga tanod, sa pamumuno ni Pablito Reyno.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Nakuha mula sa mga suspek ang mga plastic sachet ng shabu at drug paraphernalia. (Jun Fabon)