Inimbitahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Chinese President Xi Jinping na bumisita sa Pilipinas.
Sa muling pagkikita ng dalawang lider sa Asia-Pacific Economic Cooperation Leaders’ Meeting sa Lima, Peru kahapon sinabi ni Duterte kay Xi na ikinalulugod niya ang inaasahang pagbisita ng huli sa Pilipinas.
Mangyayari ang state visit ni Xi sa Pilipinas sa ‘mutually agreed date.’
Unang bumisita si Duterte sa China noong Oktubre upang palakasin ang bilateral relations. Ilang linggo matapos nito, muling nakabalik ang mga Pilipinong mangingisda sa Scarborough Shoal, kung saan ilang taon din silang itinataboy ng mga Chinese Coast Guard. Nangako rin ang China ng financial assistance sa Pilipinas. (Beth Camia)