Patay sa sariling kadugo ang isang lalaki matapos siyang barilin ng bunso niyang kapatid na nagalit at narindi umano sa kanyang panenermon sa Caloocan City, nitong Huwebes ng hapon.

Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center si Ronald Plaza, 35, ng No. 207 San Bartolome Street, Barangay 34, Maypajo ng nasabing lungsod, sanhi ng tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa dibdib.

Mabilis namang tumakas ang suspek na si Reynaldo Plaza, 22, matapos ang pamamaril.

Ayon sa report, dakong 2:15 ng hapon umuwi ng bahay si Reynaldo at nadatnan ang kanyang kuya sa loob ng bahay.

National

‘Pinas, hindi babalik sa ICC – Malacañang

Sinermunan umano ni Ronald si Reynaldo dahil sa pagiging layas hanggang sa magkaroon ng mainitang diskusyon at tuluyang bumunot ng baril ang suspek at binaril ang kanyang nakatatandang kapatid.

Ayon kay Roxanne, kapatid nina Ronald at Reynaldo, wala siyang planong magsampa ng kaso laban sa suspek.

(ORLY L. BARCALA)