Isang tricycle driver, na una nang sumuko sa Oplan Tokhang ng pulisya, ang hinabol at pinagbabaril ng riding-in-tandem habang namamasada sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Kaagad na namatay si John Leary Edlagan, 28, binata, ng Maginoo Street, Tondo, dahil sa mga tinamong tama ng bala sa dibdib at likod.

Ayon kay SPO3 Milbert Balinggan, ng Manila Police District-Crimes Against Persons Investigation Section (MPD-CAPIS), inaalam na nila ang pagkakakilanlan ng mga suspek na agad nakatakas sakay sa isang motorsiklo matapos matiyak na napatay nila si Edlagan.

Sa imbestigasyon ni Balinggan, nabatid na dakong 3:43 ng umaga nang mangyari ang krimen sa panulukan ng Capulong at Lacson Streets sa Tondo.

National

Akbayan, kinondena pag-acquit kina Enrile sa kasong plunder

Sakay sa kanyang tricycle ang biktima at bumibiyahe sa Capulong Street nang habulin siya ng mga suspek at pinagbabaril.

Aminado naman ang ina ng biktima na si Veronica Nuevo na gumagamit ng droga at sangkot sa ilang drug activities sa kanilang lugar ang kanyang anak, at ito ang tinitingnang motibo sa pagpatay. (Mary Ann Santiago)