Iginiit na wala siyang utang pulitikal na kailangang bayaran, ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa mga miyembo ng kanyang gabinete na iwasang mamulitika sa pagpapatupad ng mga proyekto ng gobyerno sa bansa.

Inamin ng Pangulo na nagagalit siya kapag pinag-uusapan ang pulitika sa Gabinete, sinabing ang serbisyo publiko ay hindi dapat na mabahiran ng anumang konsiderasyong pulitikal.

“Hindi kami (Cabinet members) nag-uusap ng pulitika at ako’y nagagalit basta—I do not allow in the Cabinet talking about politics,” sinabi ng Pangulo nang bumisita siya sa Batanes nitong Biyernes.

“I do not even want to hear that, ‘This should be priority because it’s the project of congressman ano.’ Wala ‘yan sa akin,” aniya.

Probinsya

Casualties sa nagpapatuloy na “search and rescue” sa MV Trisha Kerstin 3, umakyat na sa 51

Paliwanag ni Duterte, tapos na ang eleksiyon kaya hindi na dapat na makaapekto ang pulitika sa pagkakaloob ng gobyerno ng ayuda sa mga lalawigang sinalanta ng bagyo, gaya ng Batanes.

Mula sa Davao City, bumiyahe kahapon si Pangulong Duterte para sa anim na araw niyang pagbisita sa Brunei at China.

(Genalyn D. Kabiling)