Bago tumulak ng China, bibisita muna ang Pangulo Rodrigo Duterete sa Brunei sa Oktubre 16 hanggang 18 para makipagpulong kay Sultan Hassanal Bolkiah.
“It is hoped that during the visit, both leaders could also exchange ideas on how to broaden cooperation,” ani Jose.
Nakatakda sanang bumisita ang Pangulo sa Brunei nitong nakaraang buwan ngunit nakansela ito dahil sa nangyaring pagpasabog sa Davao City.
Sa unang araw niya sa Brunei ay makikipagpulong ang Pangulo sa Filipino community roon.
“We expect that there will be a huge turnout of Filipinos to greet and meet the President. The event will be held at the Indoor Stadium Hassanal Bolkiah National Sports Complex,” ani Jose.
Tinatayang 23,000 Pilipino ang nagtatrabaho at naninirahan sa Brunei. (Genalyn D. Kabiling)