Bakasyon muna sa loob ng selda ang isang lalaki na paborito umanong pagnakawan ang isang simbahan kung saan mga pari, madre at guro ang kanyang binibiktima sa Valenzuela City, noong Huwebes ng tanghali.

Sa report ni PO3 Robin Santos, ng Station Investigation Unit (SIU), kay Police Sr. Supt. Ronaldo Mendoza, hepe ng Valenzuela Police, kasong theft ang kinakaharap ni Alison Grapa, 31, ng Barangay Catmon, Pilapil, Malabon City.

Sa panayam kay PO3 Santos, unang biniktima ni Grapa ang mga guro na sina Merlito Ronidel at Rhea Valmeo; sinundan ng madreng si Sister Grace at ni Father Roger Cruz, matapos ang misa sa San Diego de Alcala Parish Church na matatagpuan sa Bgy. Polo, Valenzuela City.

Dakong 11:30 ng tanghali, abala naman si Maria Elena Navales, 38, guro, sa pag-aasikaso sa kanyang mga mag-aaral na nakatakdang mag-first communion sa nasabing simbahan.

National

Atty. Chel Diokno, benepisyaryo daw ng confidential funds ni VP Sara?

Nalingat lamang umano si Navales ay tinangay na ng suspek ang kanyang bag na naglalaman ng P3, 800 cash at cell phone.

Hindi alam ni Grapa, nakita siya ng co-teacher ng biktima na si Joevie Dela Cruz, 38.

“Sinundan ng mga teacher ‘yung suspek at nakita nila ito na nakasakay na sa pampasaherong jeep patungong Malanday, tapos humingi na ng tulong sila ma’am sa ibang pasahero para maaresto (‘yung suspek),” kuwento ni PO3 Santos.

(Orly L. Barcala)