Isang malamig na bangkay ng lalaki na isinilid sa sako ang natagpuang palutang-lutang sa ilog sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng umaga.

Ang biktima ay inilarawang nasa edad 35 hanggang 40, may taas na 5’7”, kayumanggi, balingkinitan, nakasuot ng puting t-shirt at brown na shorts.

Sa ulat ni SPO1 Joseph Kabigting kay Police Senior Inspector Rommel Anicete, hepe ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 9:57 ng umaga nadiskubre ng isang basurero ang biktima na palutang-lutang sa Vitas River, sa ilalim ng Marala Bridge, sa Vitas, Tondo, Maynila.

Noong mga oras na iyon ay naghahanap umano ng mapapakinabangang basura si Gloria Macapanas nang makita ang puting sako at may nakasulat na, “Ako po si Boy Batak, ‘wag tularan!” at nang kanyang buksan ay bumulaga ang umaalingasaw na bangkay.

Eleksyon

Mayoral bet, pumalag sa isyu ng driver niyang dinakip dahil sa 'food packs'

Kaagad ini-report ni Macapanas sa mga awtoridad ang nakita upang maimbestigahan. (Mary Ann Santiago)